Friday, July 09, 2010

D' Boracay




It was about to rain, so here's my quick shot. very beautiful sunset.
Sayang, I wasn't able to take more photos; Naph's (my camera) safety first.


From Caticlan airport, sumakay kami sa isang small boat kung saan natakot talaga ako kasi ang lakas ng alon tapos parang overloaded na sa dami ng sakay plus luggage pa. Halos di na nga ako makaupo ng maayos, sinigurado ko lang talaga na nasa akin ang pinaka ko, na kung saka-sakali mang lumubog ang cute na boat eh mabilis akong ma-identify (Knock on wood!!!). Hindi naman kasi namin alam na may sariling boat pala ang resort na pupuntahan namin, pero okay na rin kasi buhay akong nakarating sa Boracay.


Maganda talaga ang white beach nila, okay nga lang sa akin na doon lang ako buong maghapon na nakatitig sa beach. Enjoy din panoorin ang mga tao na nag parasailing, jetski, banana boat ride and mga modern vintas. Crystal green ang kulay ng dagat, kaya naman parang inaakit ka na “maligo ka.. maligo ka..” Maputi and fine ang sand like pearl farm pero ang haaaaaaaaaaaba lang talaga ng shoreline kung saan naka line up ang mga restaurants and bars, kaya naman bentang benta sa mga tourists. Buti pa sa boracay may starbucks, sa Davao wala (hehe).

The Island that never sleeps, peolpe are full of life even until the break of dawn.

Makakapeepee ka sa laki and daming fee na babayaran mo, terminal fee, snorkeling fee at hala! Kung x2 ang presyo ng manila scompared to davao, sa bora x3. Kaya naman it’s more practical to buy sa Budget Mart located at D’ Mall (parang convenience store) at magluto ng pagkain sa villa kaysa magorder sa restaurants. Kung nauuhaw ka, lumunok ka nalang ng laway.


Maganda ang impression ko sa mga tao doon, they seemed to be very friendly and nice, sanay na siguro sa mga turista. Malinis, wala kang makikitang basura sa street. Speaking of street, my Ged! Ang main road nila ay kasing laki lang ng street sa labas ng bahay namin. 2 lanes, during peak hours, may mild traffic but not like manila na bumper to bumper, mild lang naman, but still traffic is uncool. I don’t know what the crime rate is, pero when I was there I felt safe maybe because nakakatulog ako most of the time na hindi lock ang sliding door.


One of Boracay Island's trademark, beautiful sand castles, more beautiful during night time!


Napansin ko lang na halos 50% ng turista doon ay mga koreano, season daw kasi nila ngayon pero july going to December halo-halo na daw ang lahi and syempre mga balikbayan. Pansin ko din, ang mga tourist guide doon ay mga kapwa na nila koreano, napaisip ako, sayang pinoy sana ang guide para pinoy ang kumita. Madami na ring Korean restaurants doon and yung mga ATV (motorbike-like) ay Korean businessman ang mayari. Karamihan talaga sa mga bakasyonista ay mga banyaga, nakakalungkot lang dahil karamihan ng mga pinoy na makikita mo doon ay mga tigamasahe, waiter sa isang restaurant o di namna kaya ay nagbebenta ng souvenirs. Maganda dahil may trabaho ang mga pinoy, kaso lang damang dama mo ang agwat ng buhay.


Nag enjoy ako sa trip, daghang salamat po te mimay.