Mag 20 taong gulang na ako ngayon taon. Noong nasa elementaya pa ako, ang buong akala ko ay ang mga taong nasa edad na 20 pataas ay mga kapitapitagan na, yung tipong nakakaunawa na sa bagay bagay at magaling magadala ng buhay. Napagtanto ko na labis ang aking paghanga sa mga nakakatanda noon. Marmi akong akala na kaya nilang gawin, subalit. . ..
Ambisyoso kaming nasa gitna, dala dala pa kasi nami ang mga pangarap na aming binuo noong musmos pa lamang kami. Yoon kasi ang sa tingin namin ang magbibigay ng tunay na kaligayahan kapag natupad. Subalit, sa mga panahong ganito din kung saan dumarating na sa aming kamalayan na harapin ang totoong mundo. Dati rati ay naiinis ako sa patalastas sa telebisyon, “welcome to the real world graduates”. Ano daw? Ano nga ba ang pinagsasabi ng gumawa ng patalastas na iyon eh iisa lamang naman ang mundong ginagalawan natin. Ngayon, dahan dahan kong naiintindihan...Yung totoong mundo pala na tinutukoy ay hindi yung tulad ng kay
Kaya naman, sa panahong ito, hinaharap naming ang problema na kung saan kami patutungo. Kung ano ang gusto naming maging o kung ano ang dapat naming maging. Katulad ng problema ni Clark Kent bago sya naging Superman. Masakit sa ulong humanap ng paraan kung paano maglalakbay sa dalawang daan sa iisang pagkakataon o kung sa bandang dulo ba ay mag-aabot din ang mga daan. Hindi naman kasi simple ang mga bagay bagay ngayon. Maraming tao kaming nakakasalamuha na kailangan makitungo. Tulad ng mga taong nakakataas sa amin na kung minsan ay sa halip na tulungan kaming matuto ay pinapakalandakan pang magaling sila at tinatapak tapakan ang aming bilib sa sarili. Sabagay, may mas alam nga naman sila at kaya nilang gawin kaming katawa tawa. Naisip ko, na kapag ako’y tumanda at lumagay sa posisyon na kung saan sila ngayon, ay hindi ako tutulad sa kanila. Ngunit hindi ako nakaksigurado kung matutupad ko ang pangakong iyan. Nakakawili din naman kasi kung ikaw ang tinitingala, inaalala ko nalang ang tao na dati’y malapit sa akin. Wika pa niya, “…because I have the power” kasabay ang malakas na tawa. Ayokong maging katulad niya na parang halimaw na natutuwa sa konting kapangyarihan na taglay.
Kung hindi ka sumasang-ayon sa iyong mababasa, aba'y sa korte ka maghabla at kapag na patunayan na ako ang hangal...binibigyan kita ng karapatang batukan ako at nang matauhan.
Nabitin ka ba? hanggang sa susunod! ADIOS! *^^*
2 Violent Comments:
nice blog!
hindi na po ako pupunta sa korte. sumasangayon po ako :D
Post a Comment
type what's on your mind. asserting is not a crime! :)