Wednesday, March 03, 2010

pinilakang tabing


This is my life: old, musty, and falling apart.

Hindi ko gaano nagustuhan ang cuts, may mga clips nga na wala talagang transition, masakit sa mata. May mga instances din na nalilito ako sa pagtagpi nila ng eksena katulad ng, nakalipas na pala ang isa o dalawang taon?, magugulat ka na lang. Ang cinematography ay fairly good, lamang ang mga Koreano sa atin dito. May mga eksena kasi na di ko maintindihan bakit madilim, hindi nakikita ang itsura ng mga gumaganap sa istorya (hindi ako sigurado baka dahil lang sa sinehan ako nanuod), hindi ko rin napansin na maganda ang pagkagamit nila sa musika at sound effects, wala talagang tumatak sa tenga ko. Hindi man gaano kaaya-aya ang review ko, pero ito talaga ang kinabibiliban ko sa mga pilikulang gawang pinoy, magaganda ang mga linya, kadalasan simple lang ang storya pero may pitik, ang pinaka sa lahat... gawa galing sa puso.